Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko hinggil sa pagbili ng rapid test kits sa online.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hindi dapat tangkilikin ng publiko ang mga ibinibentang rapid test kits online dahil hindi ito maaring gamitin sa bahay.
Aniya, tanging ang mga otorisadong ospital, health facilities lamang ang maaring bumili at gumamit ng mga ito.