DOH may sapat na pondo vs. COVID-19 —Panelo

0
24

Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na mayroong sapat na pondo ang Department of Health (DOH) sa gitna ng pagtaas ng  bilang ng kaso ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ito, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ay ang ginawa ring pagtitiyak sa kanya ni Budget secretary Wendel Avisado hinggil dito.

Magugunitang humiling ng P2-bilyong supplemental budget ang DOH sa Kongreso na gagamitin para sa pagbili ng mga surgical masks at mga protective equipment para sa libu-libong health workers sa bansa.