DOH may paglilinaw hinggil sa pagiging airborne umano ng COVID-19

0
20

Nagbigay ng paglilinaw ang Department of Health (DOH) sa lumabas na pag-aaral na maaaring magtagal sa hangin at mga bagay ang coronavirus.

Ayon kay Health undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang tinutukoy ng pag-aaral ay para lamang sa loob ng mga ospital.

Binigyang diin ni Vergeire na naililipat lamang ang coronavirus sa pamamagitan ng droplet transmissions at close contact sa mga taong mayroong dala ng virus.