COVID-19 cases sa bansa nadagdagan pa ng 6, mga naka-recover 7 na —DOH

0
20

Anim pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang nadagdag sa araw na ito.

Dahil dito, inianunsyo ng Department of Health (DOH) na umaabot na ngayon sa 193 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa naturang bilang, pito (7) ang nakarecover na samantalang 14 ang nasawi.

Nagbabala si Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na posibleng umabot sa 75,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa sandaling umabot na tayo sa pinaka-‘peak’ o tugatog ng pagkalat ng impeksyon.

Gayunman, malaki anya ang posibilidad na mabawasan ito kung magtatagumpay ang ipinatutupad na Luzon-wide community quarantine.