DOH kukuha ng substitute medical workers mula sa mga lalawigan para dalhin sa NCR

0
17

 Kukuha ng mga substitute medical workers ang Department of Health (DOH) mula sa mga lalawigan para dalhin sa Metro Manila.

Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergerire, ilan sa kanilang medical staff sa regional hospitals ay maaaring i-deploy sa urban centers.

Nakatakda rin anya silang mag anunsyo ng programa para sa private health care professionals sa ibang bahagi ng bansa na nais tumulong Sa National Capital Region.

Binigyang diin ni Vergeire na kailangan nilang gumawa ng substitution team upang makapagpahinga naman ang frontliners sa Metro Manila.