DFA consular operations, passport services sinuspinde muna sa mga lugar na nasa MECQ

0
16

Suspendido na simula ngayon ang operasyon ng passport services at consular operations sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa ilalim ng MECQ.

Ayon sa DFA, ipatutupad ang suspensyon ng operasyon sa Office of Consular Affairs sa Aseana Parañaque City, lahat ng consular offices sa Metro Manila at consular offices sa Malolos, Dasmariñas, Laguna at Antipolo.

Kasunod ito ng muling pag-iral ng MECQ sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Ang mga nag-a-apply ng pasaporte na mayroong confirmed appointments sa panahon ng MECQ ay tatanggapin mula August 19 haggang 30.

Ipinaalala rin ng DFA sa mga nag-a-aplay ng pasaporte sa harap ng MECQ hindi na nila kailangang magpa-reschule o ipakansela pa ito.