Friday, May 17, 2024

DOH itinigil na ang paggamit ng hydroxychloroquine sa mga COVID-19 patients kasunod ng pagpapatigil ng WHO

- Advertisement -

Sinuspinde na rin ng Department of Health (DOH) ang paggamit ng off-label drug na hydroxychloroquine sa mga pasyente ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ito ay kasunod ng pagpapatigil ng World Health Organization (WHO) na gamitin ang naturang gamot matapos lumabas sa pag-aaral na maaari itong ikamatay ng taong iinom nito.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naglabas na sila ng kautusan sa kanilang proponent na pagpu-pull out at pagpapahinto sa paggamit ng hydroxychloroquine sa mga pasyente.

Samantala, nilinaw naman ng WHO na magpapatuloy ang kanilang solidarity trial sa ibang gamot upang matuklasan na ang posibleng lunas sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -