32.4 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

DOH-Bicol, Namahagi Ng 24 Na Ambulansiya Sa Bicol

- Advertisement -

Nag-donate ng 24 na ambulansiya ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Bicol sa Local Government Units (LGU) at mga ospital sa Bicol Region.

Sa inilabas na impormasyon ng naturang ahensiya, napag-alaman na nakatanggap ng 11 ambulansiya ang lalawigan ng Albay, 10 sa Camarines Sur, habang tatlo naman sa Catanduanes.

Ang naturang mga ambulansiya ay “complete and fully-equipped” na mayroong medical equipment, instruments, accessories, at peripherals.

Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang mga alkalde at mga representante ng LGU’s dahil malaking bagay umano ito sa kani-kanilang komunidad lalo na ngayong mayroon pa ring banta ng COVID-19.

Nabatid din na ito na ang pangatlong batch ng mga ambulansiya na ipinamahagi ng DOH-CHD Bicol para makumpleto ang 60 ambulansiya na ibinigay sa buong Bicol Region.

Sa kabilang dako, layunin umano nito na magkaroon ng maayos na healthcare delivery service ang mga Bikolano.

 

(Source: DOH- CHD Bicol)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -