DOF: Rice tarrification law malaki ang maitutulong

0
41

Naniniwala ang DOF o Department of Finance na malaki ang maitutulong ng rice tariffication law upang makamit ang target na 2 hanggang 4 percent na inflation rate ngayong taon.

Ayon kay Finance Assistant Sec. Tony Lambino, inaasahan na mapababa ng nasabing batas ang inflation rate o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.

Paliwanag ng kalihim, hindi lamang ang presyo ng produktong petrolyo ang nakaaapekto sa pagtaas ng inflation rate.

Aniya batay sa mga report, ang presyo ng bigas ang isa sa dahilan ng pagtaas ng inflation rate nuong 2018.

Batay sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas, nasa punto lima hanggang pito ang magiging kontribusyon ng rice tariffication law sa pagbaba ng inflation rate.