Palasyo himanon si Ex-Rep. Colmenares

0
52

Hinamon ng MalacaƱang si Bayan Muna Party list chairman at senatorial candidate Neri Colmenares na mag-sampa ng kaso, hinggil sa pangunguwestiyon nito sa Chico River irrigation project sa pagitan ng China at Pilipinas.

Ito ay kaugnay nang pambabatikos ni Colmenares hinggil sa P3.6 billion utang na ipinagkaloob ng Tsina sa Pilipinas para maipatayo ang Chico River pump irrigation sa lalawigan ng Cordillera.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, mas makabubuting magtungo na lang si Colmenares sa korte dahil matagal na aniyang ipinaliwanag ng mga economic managers ang isyu tungkol sa nasabing proyekto.

Dagdag pa ni Panelo, nagpapapansin lamang sa media si Colmenares kaya’t sunod-sunod ang pag batikos nito.