Tiwala ang Department of Energy (DOE) na bababa na ang inflation rate sa susunod na mga linggo.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, ito ay dahil sa inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Malaki aniya ang epekto nito sa pagtaas at pagbaba ng inflation dahil sa marami ang naapektuhan sa tuwing gagalaw ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.
Nakaapat ng sunod na linggo ang tapyas sa presyo ng langis kung saan sinasabing dahilan kaya’t hindi na tumaas pa ang inflation sa buwan ng Setyembre at Oktubre.