Controversial footbridge sa EDSA-Kamuning nagkakahalaga ng P10-M

0
48

Nagkakahalaga ng P10 milyon ang kontrobersiyal na footbridge sa EDSA-Kamuning sa Quezon City.

Ito ang kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Spokesperson Celine Pialago.

Ayon kay Pialago, ang naturang footbridge ay nakatakdang magbukas sa publiko sa Nobyembre 15.

Kasabay nito, nanindigan si Pialago na ligtas at aprubado ng mga inhinyero ang nasabing footbridge.

Magugunitang umani ng batikos mula sa publiko ang footbridge dahil sa taas ng istraktura nito.