Sunday, May 12, 2024

DOE at NGCP pinagpapaliwanag hinggil sa idineklarang red alert sa Luzon

- Advertisement -

Pinagpapaliwanag ni Senate energy committee chair Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa idineklarang red alert na dahilan ng brownout sa ilang lugar sa luzon.

Sa gitna na rin ito nang pagtiyak ng DOE na nasa maayos na kondisyon ang mga planta at sapat ang kondisyon.

Nagtataka si Gatchalian sa serye ng maintenance shutdown ng power plants nitong mga nakalipas na araw gayung siniguro ng DOE na hindi magbabawas ng supply dahil mayruong sapat na power supply.

Sinabi ni Gatchalian na nais niyang malaman kung namomonitor ng ahensya ang operasyon ng power plants at kung batid nito ang dahilan kayat kailangang magbawas ng halos 1,300 megawatts na supply ng kuryente.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -