Sunday, April 28, 2024

Bilang ng turistang bumisita sa PH pumalo sa halos 1.5 million

- Advertisement -

Pumapalo sa halos 1.5 million turista ang bumisita sa Pilipinas sa unang dalawang buwan pa lamang ng taong ito.

Ito ayon kay Tourism Undersecretary Benito Bengzon, Jr. ay nangangahulugang lumago ng halos anim na porsyento ang tourists arrival kumpara sa parehong panahon nuong isang taon.

Ipinabatid ni Bengzon na nananatili ang Korea bilang top visitor market ng Pilipinas habang ikalawa ang China at ikatlo ang Amerika.


DOT nagbabala sa mga accommodation facilities na walang first aid staff

Nagbanta ang Department of Tourism (DOT) sa mga accommodation facilities na walang first aid staff.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Maria Rica Bueno, mandatory requirement ang pagkakaruon ng first aid staff sa mga DOT accredited accommodation facility para sa pag-responde sa anumang uri ng insidente.

Ang nasabing requirement ay nakasaad sa ilalim ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009.

Isa sa mga accreditation standard para sa Primary Tourism Enterprises (PTE) ay pagkakaruon ng first aid facility.

Sinabi ni Bueno na sa sandaling suspndihin ang accreditation ng isang establishment kaagad itong ipapaalam sa local government unit (LGU) para mabigyan ng kaukulang parusa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -