29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Dobleng Paghihigpit Ng Mga Kapitan Sa Mga Pumapasok At Lumalabas Na Baboy At Pork Products Sa Bayan Ng Buhi, Iniutos Ng Lokal Na Pamahalaan

- Advertisement -

Iriga City — Mas istriktong implementasyon sa mga ASF checkpoints ang gagawin ng lokal na pamahalaan ng Buhi, Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma ni Mr. Mark Nazarrea sa Radyo Ronda, tagapagsalita ng LGU Buhi.

Ayon sa opisyal, buwan ng Pebrero nang umpisahan nila ang paglalatag ng mga checkpoints sa bayan kasabay ng mga unang naitatalang kaso ng ASF sa mga kalapit na lugar.

Aminado ito na oras kasi na makapasok ang baboy o anumang pork product na kontaminado ng sakit ay marami ang maapektuhan dahil pangunahing hanap buhay ito sa kanilang bayan.

Maaalala na una nang nagpalabas ng memorandum ang LGU na nag-uutos sa mga kapitan at iba pang opisyales ng barangay na mas higpitan at siguraduhin na may NMIS certification ang mga baboy at iba pang produkto na pumapasok sa kanilang mga nasasakupang lugar.
(OIC Melvin Barayoga, RPN DZKI Iriga, photo courtesy by Buhi Municipal Police Station – Camarines Sur Provincial Police Office)

 

(Source: LGU – Buhi)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -