28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Discount para sa mga health workers sa mga supermarket, grocery isinusulong

- Advertisement -

Hindi lamang special lanes sa mga supermarket at convenience stores ang prebilehiyong dapat na matanggap ng mga doktor, nars at ibang health workers sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) global pandemic.

Ayon kay Agusan Del Norte Rep. Lawrence Fortun, dapat ding bigyan ng diskwento ang mga frontliners sa mga supermarket, convenience store at mga grocery stores.

Sinabi ni Fortun, malaking tulong din kung maipatutupad ito hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas.

Aniya, labis na makatutulong ang mga ibibigay na special lanes at diskwento sa mga frontliners lalo na’t sila ang nangunguna sa pag-tugon, at pagbibigay serbisyo sa mga COVID-19 patients.

Sinabi ni Fortun, dapat na hingian lamang ng identification cards ang mga frontliners bilang patunay, at upang mabigyan sila ng diskwento bilang kapalit ng kanilang serbisyo sa bayan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -