Director ng isang hospital sa Wuhan City patay dahil sa COVID-19

Director ng isang hospital sa Wuhan City patay dahil sa COVID-19

by Powered by DWIZ
41 views

Patay na ang director ng isang ospital sa Wuhan City sa Hubei Province sa China dahil coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa China state television, binawian na ng buhay si Liu Zhimming na siyang director ng Wuhan Wuchang Hospital.

Siya na ang ika-pitong health worker na nasawi dahil sa naturang sakit.

Sa ngayon ay patuloy pa ring nadadagdagan ang bilang ng nagkakasakit ng COVID-19 sa China at sa iba pang bansa sa mundo.

0 comment

Related Posts