Hindi pagbibigay atensyon ng gobyerno sa isyu ng POGO, pinabulaanan

Hindi pagbibigay atensyon ng gobyerno sa isyu ng POGO, pinabulaanan

by Powered by DWIZ
73 views

Pinabulaanan ng Malakanyang na hindi nito binibigyan ng atensyon ang mga napaulat na mga anomalya sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) industry.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay ang record ng administrasyong Duterte pagdating sa pag-aksyon sa anomang iregularidad sa gobyerno.

Aniya, handa ang pamahalaan na umaksiyon sa anomang iregularidad basta lumutang lamang at magreklamo ang sinomang biktima.

Iba’t-ibang anomalya na ang lumutang laban sa POGO industry tulad ng sex trafficking, kidnapping at pinakahuli nga ay ang pastillas scheme o lagayan para bigyan ng escort ang mga papasok na Chinese POGO employees sa bansa.

0 comment

Related Posts