Arestado ang isang nagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang joint drug buy bust operation ng Dipolog Special Drug Enforcement Team sa Dipolog City Police Station na pinangungunahan ni PLt Ber John Tianok, Chief Intelligence ilalim din sa superbisyon ni PLtCol Vedasto J. Dasmariñas III, Acting Chief of Police, mga personahe ng Provincial Drug Enforcement Unit, Mobile Company RMFB 9, RID 9, Zamboanga del Norte 1st PMFC at sa koordinasyon ng PDEA bandang alas 3:07 ng hapon sa may Purok 7, Barangay Biasong, Dipolog City.
Kinilala ang dinakip na si Richard Mindoza Paghasian, 23 anyos, binata, at residente sa Barangay Sta. Isabel, Dipolog City.
Nakompiska mula sa posisyon at kontrol ni Richard ang isang malalaki na pakete ng pinaniniwalaang dried leaves ng marijuana, isang malalaki na pakete ng dried leaves ng marijuana na binili ng poseur buyer mula kay Richard as buy bust evidence, P500.00 peso bill served as buy bust money at isang cell phone.
Dinala sa Provincial Crime Laboratory Office si Richard para sa drug testing kasama na ang nakompiskang marijuana para sa chemical examination.
Samantalang nasa kustodiya na ng Dipolog City Police Station si Richard habang hinihintay ang tamang kaso na isasampa ng korte laban sa kanya. (Rosevelt Mondinido)