Thursday, May 2, 2024

Diplomatics relations ng PH sa 18 bansa na sumuporta sa ‘Iceland resolution’ nananatili — Panelo

- Advertisement -

Tiniyak ng Malacañang na nananatili ang diplomatic relations ng Pilipinas sa 18 bansa na sumusuporta sa resolusyon ng Iceland kaugnay sa pag-imbestiga sa anti-drug war campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, loans at grants lamang ang pinutol ng Pilipinas, kaya’t walang dapat ika-pangamba ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagtatrabaho sa mga naturang bansa.

Ipinaliwanag naman ni Panelo na mananatiling putol ang loans at grans ng ating bansa sa 18 bansa hanggang matapos ang termino ni Pangulong Duterte sa taong 2022.

Samantala, kabilang sa mga bansang sumuporta sa resolusyon ng iceland ang Argentina, Austria, Australia, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Italy, Peru, Mexico, Slovakia, Spain at iba pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img