29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Diplomat mula sa Philippine Mission sa UN nagpositibo sa COVID-19

- Advertisement -

Nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang isang babaeng diplomat mula sa Philippine Mission sa United Nations (UN).

Ang nasabing babaeng diplomat,ayon sa UN Missions, ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa New York Headquarters ng UN.

Dahil dito, ipinabatid ni Philippines acting UN Ambassador Kira Azucena na naka-lockdown ang Philippine Mission at lahat ng mga tauhan nito ay pinayuhang mag self-quarantine at kaagad kumonsulta sa doktor sakaling lumabas ang mga sintomas.

Batay sa online UN directory of diplomatic staff, mayroong 12 diplomat sa Filipino mission headquarters na nasa 5th Avenue sa Midtown Manhattan.

Ang may sakit na diplomat ay kumakatawan sa Pilipinas sa legal affairs committee ng UN General Assembly.

Sinabi ni Azucena na umalis ng UN headquarters ang diplomat matapos  makaramdam ng mga sintomas at kaagad pinuntahan ang kaniyang doktor na nagtest sa kaniya at ang resulta na inilabas ngayong araw na ito ay COVID-19 positive ito.

Ipinabatid naman ni Department of Foreign Affairs (DFA) secretary Teodoro Locsin na maayos na ang kondisyon ng babaeng diplomat na umiinom na ng gamot na inireseta ng kaniyang doktor.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -