30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

COVID-19 death toll halos 5,000 na

- Advertisement -

Halos 5,000 na ang death toll dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Kasama na sa 4,972 nasawi ang 189 na panibagong bilang ng nasawi sa Italy sa nakalipas na magdamag.

Dahil dito, nasa 1,016 na ang bilang ng mga nasawi sa Italy dahil sa COVID-19.

Mayroon namang 15,000 mahigit na ang kaso ng COVID-19 sa Italy.

Kasama na rin sa death toll ang limang nasawi mula sa Pilipinas.

Samantala, sa Iran, lumobo na sa mahigit 10,000 ang naitalang kaso matapos makapagtala ng mahigit 1,000 panibagong kaso sa nakalipas na magdamag.

Umaabot naman sa 429 ang nasawi sa Iran kung saan 75 rito ay bagong nasawi sa magdamag.

Nasa mahigit 134,000 na ang bilang ng tinamaan ng COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -