Saturday, May 4, 2024

DILG nilinaw na may paglabag sa guidelines ng ECQ si Estrada

- Advertisement -

Binigyang katwiran ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año ang ginawang pag-aresto kay dating Senador Jinggoy Estrada.

Kasunod ito ng umano’y paglabag sa guidelines ng enhanced community quarantine (ECQ) sa San Juan City.

Sa pagharap ni Año sa Laging Handa Briefing, tinukoy nito ang mga naging paglabag ni Estrada nang mamahagi ito ng mga isda sa mga residente sa barangay Salapan.

Sinabi ni Año, hindi nakipag-ugnayan si Estrada sa lokal na pamahalaan ng San Juan City sa pagsasagawa nito ng relief operations.

Wala rin aniyang quarantine pass at hindi awtorisadong lumabas ng bahay ang mga kasamahan ni Estrada sa kanyang ikinasang aktibidad.

Dagdag ni Año, nagkaroon din ng pagsuway sa physical distancing ang grupo ni Estrada habang hinayaan din nitong lumabas ng kanilang mga bahay ang mga senior citizens at menor de edad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img