DILG ipinagutos sa LGU, PNP na tiyaking sarado pa rin ang non-essential business establishments

0
25

Ipinagutos ng DILG sa Local Government Units at PNP na tiyaking sarado pa rin ang non-essential business establishments sa kasagsagan ng enhanced community quarantine.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Ano, maraming report ang nakarating sa kanila hinggil sa pagbubukas ng ilang negosyo na una nang hindi pinayagang makapag operate sa ilalim ng panuntunan ng IATF.

Nilinaw ni anio na walang ipinatutupad na partial lifting sa enhanced community quarantine (ECQ).

Pinakilos din ni Ano ang LGU na tiyaking sarado ang mga negosyo maliban sa mga nagbibigay ilang pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, tubig, banking and remittance centers, power, energy, telecommunication at iba pa.

Dapat din aniyang i-monitor ng LGU’s na skeletal workforce lamang ang operasyon at istriktong nasusunod ang social distancing sa mga nabanggit na negosyo.