CDC: Wala pang lifting guidelines para sa umiiral na ECQ sa Luzon

0
32

Wala pang susundin na alituntunin ang pamahalaan hinggil sa pagbawi o pag-alis ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ito ay ayon kay Dr. Barbara Marston, Task Force Lead ng Centers for Disease Control (CDC), hindi lamang ang Pilipinas ang nahihirapan sa naturang hakbang kundi ang iba ring mga bansa na nasa gitna rin ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.

Ayon kay Marston, hindi kasi maari na bigla na lamang tanggalin ang ECQ gayong hindi pa naman tukoy ang tunay na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Aniya, dapat na unti-unti ang magiging pagtanggal ng anumang umiiral na health protocols upang matiyak na hindi na kakalat pa ang sakit.