DILG inirekomenda sa L-G-U na ilipat lang sa Oplan Kalinga ang mga mild at asymptomatic patient sa COVID-19

0
31

Umapela ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na ilipat na lamang sa mga Oplan Kalinga facilites ang mga mild at asymptomatic COVID-19 patients.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, humigit kumulang 4k pa ang available na bed capacity sa mga Oplan Kalinga facility dahil sa patuloy na pagdami ng mga nakarerekober na COVID-19 patient nitong mga nakaraang linggo.

Dagdag pa ni Año, sa ilalim ng IATF resolution number 74, obligado ang mga mild at asymptomatic COVID-19 patients na magpa-quarantine sa mga pasilidad na itinakda ng pamahalaan.