100% business operation inirekomenda ng DTI sa IATF

0
41

Nais ni Trade and Industry Sec. Ramon Lopez na dagdagan pa ang mga binubuksang negosyo kahit na manatili pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ayon kay Lopez, dapat na ikunsidera ng Inter Agency Task Force (IATF) na payagan na ang 100% operasyon ng mga negosyo kahit na 50% lamang ang maaring makapag-operate sa ilalim ng GCQ.

Paglilinaw ni Lopez, ang nais lamang nilang baguhin ay ang bilang ng porsyento ng mga establisyimento na maaring magbukas upang matulungan na rin ang mga manggagawang apektado ng pandemya, at nang masolusyunan na rin ang kagutuman sa bansa.

Dagdag pa ni Lopez, pabor din siya na luwagan na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang ipatutupad na quarantine protocols ngunit para lamang maibangon ang ekonomiya ng bansa.

Sa ilalim kasi ng resolusyon ng IATF,  50% lamang kasi ng mga industriya ang maaring makapag-operasyon, habang papayagan naman ng 100% ang operasyon ng mga industriya kagaya na lamang ng legal firms, accounting firms, at film industry sa ilalim ng MGCQ.