DILG inilarga na ang voter education campaign para sa 2019

0
47

Inilarga na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang kanilang voter education campaign para sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay DILG Director for Bureau of Local Government Supervision Odison Pasaraba, sinimulan ang unang leg ng kanilang kampanya para sa isang maayos na halalaan sa Quezon City nitong Nobyembre 12.

Habang nakatakda naman ganapin ang Visayas – Mindanao leg ng forum sa Bacolod, Iloilo at Davao bago matapos ang taon.

Sinabi ni Pasaraba, layunin ng kanilang kampanya na maitaguyod ang pagpapalakas sa mga botante para sa matino, mahusay at nagmamalasakit na pagpili ng susunod na magiging mga pinuno sa bansa.

Kaisa ng DILG sa proyekto ang information and education unit ng Commission on Elections (COMELEC), election watchdog na National Citizen’s Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).