DILG inianunsyo na ilalabas ang kalahati ng IRA ng mga probinsya

0
19

Ipalalabas na ng pamahalaan ang kalahati ng Internal Revenue Allotment (IRA) ng mga probinsya.

Inianunsyo ito ni Usec. Jonathan Malaya, Spokesman ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ayon kay Malaya, gagamitin ito ng mga lokal na pamahalaan bilang ayuda sa kanilang constituents.

Gayunman, sinabi ni Malaya na hindi puwedeng gamitin ang IRA para sa social amelioration program.

Sa halip dapat anya itong gamitin para makabili ng PPE’s, vitamins at iba pang kagamitan sa checkpoints.