DILG inatasan ang HPG hulihin ang mga motoristang lumalabag sa ECQ

0
19

Nagposte ang Department of Interior and Local Government (DILG) ng Highway Patrol Group (HPG) sa EDSA.

Ayon kay DILG Spokesman Usec. Jonathan Malaya, huhulihin at titiketan ng HPG ang mga pumupuslit na motorista at lumalabag sa mga panuntunan ng Inter Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng enhanced community quarantine.

Mag-iikot rin sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila ang HPG upang hulihin ang mga motorista na lumalabas sa kanilang tinitirhang syudad.

Matatandaan na nitong mga nakaraang araw, nag viral sa social media ang video ng tambak na pribadong sasakyan na bumibiyahe sa EDSA.

Binigyang diin ni Malaya na kailangang mas maging mahigpit ang otoridad sa pagpapatupad ng panuntunan sa huling dalawang linggo ng ECQ upang hindi masayang ang unang isang buwan ng ECQ.