DILG hinikayat ang mga LGU na makiisa sa kampanya vs CPP-NPA

0
43

Hinikayat ng Department of Interior and Local Government o DILG ang mga local government unit o LGU na makiisa sa kampanya laban sa CPP-NPA.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, dapat ay maging aktibo rin ang mga LGU gaya ng pag-aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang national task force chairperson na labanan ang mga teroristang grupo.

Dagdag pa ni Año, malaki ang maitutulong ng mga LGU dahil mas alam ng mga ito ang mga isyu sa kanilang nasasakupan.

Mapapaigting din aniya nila ang resources at pwersa ng gobyerno sa mga probinsya.