33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Digitalization ng Civil Registration Records sa Baguio City ginagawa

- Advertisement -

(Baguio City) Patuloy ang digitalization ng lahat ng civil records sa opisina ng Baguio Civil Registrar kung saan ang mga rekords mula pa noong 1945 hangang Enero 2023 ay na-scan at nakahanda na maibigay sa mga kliente nila.

Ayon kay City Civil Registrar Luz Perez, simula ng ipatupad nila ang digitalization ay maari nang ma-access ang certified copies ng mga rekords ng marriage o kasal, births, maging ang deaths sa ilang minuto lamang.

Ipinaliwanag niya na mahalaga ang pagka digitalize ng lahat ng civil records upang hindi ito mawala kaysa sa hard copies na madaling masira o mabasa,o madumihan habang ito ay nakatago lang sa record rooms.

Delikado ang mga o hard copies sa kalamidad tulad ngsunog, baha at ng iba pa. Matapos na nai-scan ang mga rekords ay maaring itago ito sa mga compactor cabinets upang hindi manakaw o ma-misplace.

Ito’y programa na nais din ni Mayor Benjamin Magalong na maipatupad mass lalo na sa panahon ito na ang gamit ay ang paggamit ng ng bagong teknolohiya.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to PIO Baguio City

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -