DFA pinabulaanan ang ulat na madalas pumasok ang Chinese warships sa karagatan ng Pilipinas

0
40

Pinabulaanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga ulat na madalas ang pagpasok ng Chinese warships sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Ito mismo ang naging pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin kung saan sinabi nitong hindi Chinese warships ang madalas na pumapasok sa EEZ ng Pilipinas kundi ang mga barkong pandigma ng Western countries.

Ayon kay Locsin, matapos malaman ng Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong Chinese warships sa West Philippine Sea ay agad nitong inihayag na hindi na maaring pumasok sa EEZ ng Pilipinas ang mga Chinese vessels ng walang permiso mula sa pamahalaan.

Aniya, dahil dito ay humihingi na ng permiso mula sa gobyerno ang China sa tuwing papasok ang Chinese vessels sa karagatang sakop ng bansa.

Dagdag pa ni Locsin, ang mga barkong mula sa Western countries lang naman ang nagmamatigas kung saan ipinagdidiinan ng mga ito ang absolute freedom na makapag layag sa lugar.

Kaugnay nito sinabi rin naman ng kalihim na isang beses lamang pumasok ang barko ng China nito nang naka stealth mode upang hindi sila ma-track ng pamahalaan.