DEPED plano palawigin ang benepisyo ng Provident fund ng mga guro

0
54

Plano ng Department of Education na palawigin ang benepisyo ng provident fund na tinatanggap ng mga guro.

Kasunod ito ng pagkasawi ng isang principal at isang guro mula sa libon, Albay makaraang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang pampasaherong jeep matapos na makiisa sa brigada eskwela.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nag ambagan at nag likom pa sila ng pondo upang mapaabutan ng tulong ang pamilya ng mga biktima dahil walang nakalaan na pondo ang DEPED para dito.

Aniya, ito ang dahilan kaya mahalagang mapalawig ang benepisyo ng provident fund upang ma- cover ang mga gantong pangyayari.

Bagamat may makukuha naman aniyang benepisyo ang mga nasawing guro, dapat aniyang doble ang matanggap na benepisyo ng mga gurong masasawi habang ginagawa ang kanilang tungkulin.