27 Sugatan sa pagbangga ng bus sa concrete fence sa Bataan

0
50

Sugatan ang 27 taong sakay ng isang bus matapos na bumangga sa isang concrete fence ng bataan Nuclear Power Plant.

Ayon kay Bataan Provincial Police Director Colonel Villamor Tuliao, nawalan ng preno ang bus at sa lakas ng pagkakabangga ay naipit pa ang driver ng bus.

Maswerte namang hindi nasaktan sa aksidente ang mahigit 10 pasahero ng naturang bus.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.