DepEd kumikilos na para solusyonan ang problema sa mga paaralan

0
53

Kumikilos na ang Department of Education para solusyunan ang problema sa pasilidad ng Bacoor National High School Molino Campus sa Cavite.

Kasunod na rin ito ng paggamit ng paaralan sa isang comfort room nito bilang faculty room.

Ayon sa DepEd, nagpasya ang eskuwelahan na magkaroon na lamang ng single shift na klase kayat piniling ibalik ang dating faculty room bilang isang classroom dahil mahigit 7,000 mag aaral ang kabuuang enrollees sa nasabing paaralan ngayong school year.