38 empleyado ng PhilHealth sinuspinde

0
55

Sinuspinde ng PhilHealth ang 38 empleyado kabilang ang ilang opisyal nito.

Ito’y matapos lumabas ang pagkolekta umano ng isang dialysis center ng mga benepisyo sa PhilHealth ng mga patay na nilang pasyente.

Ayon kay PhilHealth acting President at CEO Roy Ferrer, ilan sa mga sangkot sa nasabing iregularidad ay mga mid-level manager na nagpoproseso umano sa ma-anomalyang transaksyon.

Magugunitang ibinunyag ng dalawang dating empleyado ng Wellmed Dialysis & Laboratory Center Corp., na sina Edwin Roberto at Liezel Santos, na nag-claim umano ang naturang PhilHealth-accredited facility ng benepisyo ng mga namatay na nilang pasyente.