Friday, May 3, 2024

DENR inalis ang ‘ban’ sa operasyon ng ilang quarrying companies

- Advertisement -

Inalis na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ban sa operasyon ng ilang quarrying companies.

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu, ito ay matapos ng ginawang pagaaral ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) sa sitwasyon at mapatunayang hindi nanganganib ang mga ito sa anumang pagguho.

Batay sa listahan ng DENR maaari nang magbalik operasyon ang mga quarrying companies sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan, Calabarzon, Bicol, Northern Mindanao at Davao.

Gayunman nanatili pa ring suspendido ang operasyon ng mga quarrying sa Naga City, Cebu at maging sa benguet area kung saan may nangyaring landslide.

Samantala, nilinaw ng DENR na nasa sampung porsyento lamang ng mga mining at quarrying operations ang kanilang sinuspende.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img