Delegasyon ng San Antonio City, Texas, USA inaasahan na bibisita dito sa lungsod ng Baguio

0
5

Baguio City – Hinihintay ang pagdating ng 25-kataong delegasyon mula sa San Antonio, Texas dito sa Baguio City sa Hulyo a 10 hanggang a 14, 2023 upang gawing pormal ang memorandum of understanding (MOU) ng sisterhood ties sa pagitan ng dalawang lungsod.

Ang delegasyon ay pumumunuan mismo ni San Antonio City Mayor Ron Nirenberg na inaasahan na darating sa Hulio 10, 2023 para sa limang araw na pagbisita.

Inyong matatandaan na ang mga opisyal ng San Antonio at ng lungsod ng Baguio sa unang pagpirma para sa friendship agreement bilang unang kailangan sa pormal na sisterhood at pagkakaibigan.

Pangunahin sa panagbisita ng delegasyon ng San Antonio ay sa larangan ng negosyo at pangmilitar na may kaugnayan, kalusugan, edukasyon at kultura upang pag aralan kung paano maitatag ang kaukulang pakikipag ugnayan upang matulungan ang mga nasabing sector.

Pag-aaralin din nila ang mga tinatawag na best practices na maaring tularan at maisagawa ito sa lungsod ng Baguio.

Sa kasalukuyan ay ang lokal a gobierno ng Baguio ay naghahanda na para sa nakatakdang pagbisita ng nasabing delegasyon.

Ayon sa nakatakdang gagawin ng delegasyon, mag-cocourtesy call ang naturang delegasyon sa mga opisyal ng lungsod at magkaroon pa ng pagkakataon na bumisita sa mga mamahalagang military, health care at educational institutions tulad ng Philippine Military Academy, Saint Louis University, Aurora Hill mega health center, Baguio Senior Citizens Center, Pedagogical Development Center at ng Baguio General Hospital and Medical Center. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply