Decommissioning ng mga sundalo ng MILF nagsimula na

0
47

Nagsimula na ang proseso para sa tuluyang pagbaba ng armas ng mga sundalo ng MILF o Moro Islamic Liberation Front.

Ayon kay Bangsamoro Chief Minister at MILF Chairman Murad Ebrahim, naisumite na nila ang listahan ng 12,000 MILF fighters at kanilang mga sandata para sa decomissioning.

Kumakatawan ito sa 30% pa lamang ng MILF fighters.

Ito pa lamang anya ang una sa tatlong bahagi ng unti unting decommissioning ng mga sundalo ng MILF na babantayan ng IDB o International Decommissioning Body.

Samantala, muling tiniyak ni Murad na ang moral governance ang magiging pundasyon ng BTA o Bangsamoro Transition Authority.