Death toll ng COVID-19 sa Washington pumalo na sa 74

0
23

Nadagdagan pa ng walo ang bilang ng mga nasawi sa Washington State sa Amerika dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Dahil dito, sumampa pa na sa kabuuang 74 ang death toll habang nasa mahigit 1,300 na ang kaso ng virus sa naturang estado.

Kasunod nito ay ang agarang pag-apruba ni Governor Jay Inslee sa 200-milyong dolyares na halaga ng emergency funds na nakalaan para labanan ang pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Samantala, nasa mahigit 12,000 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Amerika habang halos 200 rito ang nasawi.