Death penalty dapat ibalik para sa kasong droga ayon sa PDEA

0
55

Dapat nang ibalik ang death penalty para sa kasong droga.

Ito ang muling iginiit ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA makaraang masabat ang nasa 1.8 bilyong pisong halaga ng high-grade shabu mula sa isang container galing Vietnam.

Halos 300 pakete ng tsaa na naglalaman ng tig-isang kilo ng high-grade shabu ang nakumpiska ng PDEA na idineklarang plastic resin.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, walang bitay sa Pilipinas kaya dito nagbabagsak ng droga ang mga sindikato.