31.9 C
Manila
Thursday, March 28, 2024

PNP huhulihin na ang mga NDF consultants

- Advertisement -

Tuloy tuloy na ang gagawing pagdakip ng Philippine National Police (PNP) sa mga matataas na opisyal at consultants ng CPP-NDF na may mga outstanding warrant.

Ito ay matapos na tuluyan nang tuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga komunistang grupo.

Ayon kay PNP Spokesman Senior Supt. Bernard Banac, wala nang magiging sagabal sa kanilang pagdakip sa mga nasabing indibiduwal.

Dagdag ni Banac, hindi na nila kikilalanin pa ang mga hawak na safe conduct pass ng mga NDF consultants at members dahil paso na ang mga ito kasunod ng pagpapatigil ng pangulo sa peace talks.

Tiniyak naman ng PNP na nananatili silang nakaelerto para mapigilan ang mga posibleng pag-atake ng mga komunistang grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -