De Lima umayaw sa COVID-19 testing

0
18

Hindi nagpasailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID -19) test si Senator Leila De Lima.

Paliwanag ni De Lima, tatlong taon na syang naka involuntary quarantine at laking pasalamat sa diyos na syay nananatiling malusog.

Ayon pa sa Senadora, imbis na gamitin sakanya ang testing kit ay mas mainam na ipagamit na lamang ito sa isang symptomatic person under investigation (PUI).

Iginiit pa nito, na dapat pinag iisipan mabuti ang paggamit ng mga testing kit at hindi dapat ipa-test ang lahat ng matataas na opisyal lalo na’y wala naman itong exposure o sintomas ng COVID -19.