. BuCor nag-disinfect sa bilibid dahil sa COVID-19 outbreak

0
24

Nag-disinfect ang Bureau of Corrections (BuCor) sa new bilibid prison, upang matiyak ang kaligtasan ng mga bilanggo sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID -19).

Ayon kay BuCor Chief Gerald Bantag, bumili rin ang ahensya ng misting machines, N05 mask, alcohol, gloves at disposable long sleeves o poncho para sa mga inmate.

Layon anila na mapanatiling COVID -19 free ang bilibid.

Samantala, hinihikayat naman ni bantag ang publiko na sumunod sa mga inilatag na patakaran ng pamahalaan gayung kaligtasan lamang ng bawat pilipino ang hangad ng gobyerno.