32.7 C
Manila
Sunday, April 21, 2024

Davao: Waiter, arestado sa drug buy-bust sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng kapulisan sa ilalim ng pangangasiwa ni PMaj. Robel B. Saavedra, Acting Station Commander ng Mandug Police Station ang isang alyas “Mak-Mak”, 25 anyos, isang waiter at residente ng Km 5, Buhangin, Davao City. Nadakip ang nasabing personahe sa pamamagitan ng isinagawang buy-bust operation sa partikular na harapan ng Honda sa Km 5, Buhangin, Davao City alas 2:10 ng madaling araw, Disyembre 10, 2021.

Visit RPN DXKT Davao

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang dalawang (2) pakete ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 0.9 gramos na may street market value na tinatayang humigit kumulang fifteen thousand five hundred pesos (₱ 15 500.00) at isang (1) Samsung cellular phone.

Ang pagmamarka sa mga piraso ng ebidensya na isinagawa sa lugar ng pag-aresto ay nilahukan ng Elected Barangay Official, Media at Kinatawan ng DOJ na pumirma sa certificate of inventory of evidence sa presensya ng nadakip na suspek.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Mandug Police Station ang naarestong suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -