Davao: Umabot sa 100 na mga child labor sa Davao region ang natulungan ng DSWD

0
48

May kabuuang 108 bata na sangkot sa child labor sa Davao Region ang natulungan sa pilot na pagpapatupad ng Strategic Helpdesk for Information, Education, Livelihood and other Developmental Interventions (Shield) Project sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development Davao Region ( DSWD-Davao ).

Nitong nakaraang Hulyo 2022, nakapagtala ang Department of Labor and Employment-Davao Region (Dole-Davao) ng mahigit 20,000 child laborers sa rehiyon na pinakamataas mula noong 2021 sa 10,797.

Sa nabanggit na bilang, 108 child laborers ay mula sa Davao City.

Ayon kay DSWD Shield focal person Dan Niel Salvador, madalas na nagtatrabaho sa construction at street vendor ang mga bata sa Davao Region.

Ayon kay Salvador, bagama’t gusto nilang tulungan ang mga bata, limitado lamang ang kanilang budget para matulungan ang mga nabanggit.

Dito sa Davao Region, limang LGU ang nangako na ipatutupad ang Shield project na binubuo ng Davao City, Panabo City, Magsaysay sa Davao del Sur, Asuncion sa Davao del Norte, at Nabunturan sa Davao de Oro.

Source: DSWD XI

Leave a Reply