Davao: Test Before Travel Pinapatupad Pa Rin Dito Sa Davao City

0
352

Davao City –  Kinakailangan pa rin ang negative result ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) sa loob ng 72 oras ng sinumang papasok dito sa lungsod ng Dabaw kung saan ipinapatupad pa rin ang “Test Before Travel” ordinance dito.  Sa ngayon, ang lungsod ng Dabaw ay isinasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay City Tourism and Operations Office (CTOO) Chief Generose Tecson na requirements pa rin ng sino mang papasok sa lungsod ang negative RT-PCR test.  Lahat ng pasahero na kabahagi ng repatriation o Special Commercial Flights ng Davao City ay kailangang magpakita ng negative test results na kinuha ng hindi lalagpas sa 72 oras sa kanilang pag-alis sa airport saan man sila nagmumula at kailangan din ang Safe Davao QR Code.

Samantala, ang mga international passengers na darating sa Francisco Bangoy International Airport na magpositibo sa Covid-19 matapos ang required/repeat RT-PCR testing, kailangang i-isolate sa VAN City na pasilidad ng lokal na gobyerno.

Ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ay kailangang magparehistro sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa kanilang pagdating para sa hotel assignment. Ang mga international passengers at Returning Overseas Filipino (ROF) o non-OFWs na darating sa Davao Airport ay kailangang may reservation sa hotel na accredited ng  Bureau of Quarantine/ Department of Tourism.

Sila din ay kailangang sasailalim sa  quarantine sa loob ng 15 days kung sila ay nagmula sa  Restricted o Red List Country; 10 days kung sila  ay nanggagaling sa Non-Restricted o Yellow List Country; 10 days kung sila ay galing naman sa Green List Country  at  8 days kung sila ay fully vaccinated.

(Source: Davao City Tourism Office)

Leave a Reply