Davao: Tatlo arestado sa drug bust operation, shabu at baril nakumpiska

0
0

Arestado ang tatlong mga indibidwal sa drug buy-bust operation na ginawa ng Digos City Police Station nitong 5:12 ng hapon, Agosto 3 sa Crisologo Residence, Prk. Kalubihan, Brgy. Cogon, Digos City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PLt. Diosdado Niones II ang suspek na si Jezcieriel Estrella o alyas “Bula/Bubbles”, 27 taong gulang at nasa top-10 drug watchlist sa Davao Region. Kasama din niya si Josephn Gonzales o alyas “Junjun, 25 taong gulang at si alay “Jemjem, 38 taong gulang.

Ayon pa kay PLt. Niones, nabilhan at nakuhaan ang mga suspek ng kanilang possession na pinaniniwalaang illegal na droga.

Tumitimbang ng 0.33 gramo at may halagang ₱ 4,950.

Si alyas Jemjem ay nakuhaan din ng .38 Caliber Pistol.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Digos City Police Station at nakatakdang haharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Illegal Possession of Firearms.

(Source: Digos City Police)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here