25.3 C
Manila
Tuesday, February 27, 2024

Davao: SOCA Ni Mayor Inday Sara Duterte, Planong Gagawin Matapos Ang Nobyembre 15

- Advertisement -

Davao City – Plano ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte na gagawin ang kanyang State Of the City Address (SOCA) pagkatapos ng deadline ng filing of substitution ng mga kandidato o pagkatapos ng Nobyembre 15.

Ayon kay Mayor Inday Sara na gusto niyang maka-focus ang mga Dabawenyo sa kanyang mga nagawang accomplishments, progreso ng lungsod ng Dabaw at mga plano pang gagawin para sa Davao City.

Malaki ang paniniwala ni Mayor Sara na sa nasabing panahon tahimik na at hindi na magulo ang mga supporters ng mga politiko pati na rin ang kanyang mga supporters na patuloy na umaasa sa kanyang pagtakbo sa mataas na posisyon.

Una sanang itinakda ngayong buwan ng Oktobre ang taunang SOCA ni Mayor Sara ngunit hindi ito natuloy matapos siyang nagpositibo sa COVID-19.

Online na makikita at maririnig ang SOCA ni Mayor Sara sa pamamagitan ng Facebook account ng Davao City Government.

(Source: Davao City Information Office)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -